Growing Hope

Samuel lago

“Ako po ay dating OFW sa Saudi, nagsumikap po akong makabili ng sariling lupa. Nang nakaipon, nagdesisyon akong umuwi at makasama na ang aking pamilya.”

“Noong 1996, ako nagsimulang magtanim. Simula noon, naranasan ko na ang iba’t-ibang suliranin sa pagsasaka, katulad ng madalas na pagbagyo, mga insekto sa pananim, kakulangan sa imbakan or storage, pagpapatuyuan ng mais, madalasang pagbabago ng teknolohiya sa pagtatanim, mataas na gastusin sa pananim, mahirap na daanang farm to market roads, at ang hirap sa pakikipagtransaksyon sa mga buyers na madalas pang manipulahin ang presyo at timbang na kulang pa na pangpuhunan at kapital. Sa pag-asam ko na mapaunlad ang aking mga kagamitan sa pagsasaka nagkaroon ako ng mga utang na naging dahilan upang makontrol na ng aming pinagkakautangan or financier ang mga binebenta naming mais. Sa mababang halaga na lamang naming ito naibebenta at minsan pa kahit konting dumi lamang ay mas lalo pang binababaan pa ang presyuhan sa amin.

Naging iba ang ihip ng hangin ng makausap ko at makilala ang isang tauhan ng B-MEG na nagpaliwanag sa akin ng programang ito. Hindi ako makapaniwala dahil bilang isang simpleng magsasaka hindi ko maisip na makakapagsupply ako sa pangarap kong kumpanya (SMC). Ako’y nagagalak dahil sa 25 years kong pagsasaka ay makararanas na din ang aking pamilya ng kapanatagan at kaginhawaan.

Marami pang magandang naidulot sa aming mga farmers ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtransaksyon sa San Miguel Foods/B-MEG. Una po rito ang kasiguraduhan ng presyo ng mais. Kampante po ako na hindi magkakaroon ng iregular or biglang pagbaba ng presyo ng aking mais. Pangalawa, ang maayos at tamang pagtitimbang at pagsusuri ng kalidad ng aming mga mais. Pangatlo po ang mabilis na transaksyon at pag-galaw ng aming mga mais.

At ang panghuli, bilang isang farmer dinanas naming madalas mabaon sa utang at mabigyan ng di makatarungang pagpresyo sa aming mga mais. Ngunit dahil sa B-MEG nagkaroon kami ng kapanatagan ng isip at motibasyon na ipagpatuloy ang pagtatanim.

Sana po ipagpatuloy ninyong suportahan ang maliliit na farmers na katulad namin. Maraming salamat.”

Other Related Stories

Changing The Landscape For Corn Farmers

Changing The Landscape For Corn Farmers

San Miguel Foods’ direct corn-buying program offers farmers better margins and quicker payments, improving their livelihoods and financial stability.

Read More